Monday, May 16, 2011

buntis101

so, eto na nga at buntis na naman ako. i thought that every woman can be used to being pregnant. hindi pala talaga. every pregnancy is unique (parang tao lang). akala ko, once you get used to it, it'll be easier at your end. hindi rin. back to zero talaga ang paghihirap ng bawat nanay na nabubuntis. so, eto ang mga cravings, wishes, hopes, negaS ko lately:

1. siguro nagtataka sila rose, boi, lester, aj, joicy, bab kung bakit hindi pa ako naga-upload ng pictures....well, super duper tamad ako mag internet. ang radiation parang kryptonite ko. nakakahilo...hay....

2. gusto ko ng chicharon. nung binilan ako ni allan, tinikman ko lang tapos ayaw ko na...hehe

3. bully ako. last, last night.... 3x naligo si allan dahil ayaw ko ng amoy ng soap na ginamit nya

4. less ang patience ko...kawawang rain at summer

5. naiinis ako sa lasa ng anmum....waaaaa!

6. hindi ako makapaglaba....amoy pa lang ng ariel suko na ako

7. nagpadala yung friend ni allan sa kanya ng madaming fishda, ang problema hindi ko mabuksan ang freezer dahil hindi ko gusto ang amoy

8. lahat mabaho. pati pabango. pati sarili kong flatulence! ahahaha. kadiri!

9. kahapon, pinagalitan ko si contact lens (yung aso naming may cataract) kasi buntis na naman...sabi ko, ikaw malandi ka, buntis ka na naman....i forgot pati pala ako buntis. kaya ang sabi ko sa dulo....gaya gaya kang aso ka!

10. wala akong gustong kainin except fruits. tapos after awhile isusuka ko din. di ba ang saya?

ayan, top ten na lang muna...nahihilo na naman ako. kenis!

3 comments:

  1. naligaw lang ako pero congrats na rin. ilang months na ba te? (feeling close e no?) haha. (--,)

    ReplyDelete
  2. wala pa akong nakikilalang buntis na nagustuhan ang anmum hheheh

    ReplyDelete