|
rain at palawan. he has been my constant travel buddy =D |
Rain. he was born last may 5, 2007. he was 7.8lbs, big and has a white complexion. allan was so happy when he saw rain. sabi nya, "YES! maputi!" so happy na rin ako. according to tradition, paglabas ng bata, dapat daw paarawan ito every morning. ewan ko kung baket. siguro connected dito ang pag-absorb ng skin ng vitamin D para lumakas lalo yung baby. at syempre pa, month of may at year 2007 pa non, umalis si allan papuntang romblon kasi dun sya naka-destino for the election. hirap ako. may separation anxiety ako that time kasi kakapanganak ko lang pero pinilit kong maging okay. and i was. ang problema, after two weeks, pagbalik ni allan from romblon, nakita nya si rain....maitim na!
dahil ba sa araw? -ewan. pero infairness to my son, maitim sya pero hindi sya mukhang madumi. cute sya at madaming tao ang very fond sa kanya. (well isa yan sa mga prayer ko which i learned from ate levy feria - pastor's wife namin) - Lord, nawa po paglumabas ang anak ko sana madaming matuwa sa kanya. madaming macu-tan, madaming gustong kumarga sa kanya, kumausap...yun! answered prayer naman.
|
rain at bsu. walang tao? yes. sunday kasi yan. 2009. sat and sun ang sked ko sa bsu dati =D |
eh bakit si rain ang laman ng blog ko ngayon? siguro kasi ibang level na ang separation anxiety ko now...madalas kasi wala na sya sa tabi ko. madalas hindi na sya ko hinahanap. at lately, hindi na sya sa potty nya dumudumi kundi sa toilet bowl namin....mga twice na. although happy naman ako na nakita ko yung transition na yun sa buhay ni rain, potty to toilet bowl, na-sad pa rin ako. hindi na sya ang baby boy ko. sa sunod siguro hindi na ako ang maghuhugas ng pwet nya. hindi na nya ako tatawagin. magiging ambivalent na naman ako when that time comes.
|
my three year old wonder boy |
|
rain at universal studios - singapore |
|
rain's recent picture. my big beetle sya sa shirt nya |
well, ganun siguro talaga ang mga mommy sa generation namin. may mga lucid periods lang. eto nga oh, patapos na lucidity ko =D
No comments:
Post a Comment