nakakasawa din ang maling sistema. masyado ng madaming maling sistema lately sa kapaligiran ko. nakakairita na rin. hindi lahat ng matanda ay lumawak ang pag iisip at natuto sa buhay. yung iba talaga umasa lang. hindi nagkaron ng growth. kawawa.
nakakasawa ang tsismis. cheap ang dating. well lalo na kapag ang pinagtsi tsismisan ay ako. nakakairita. wala na ba kayong makikitang tama? puro mali na lang ba ang dapat na naamoy? nakikita? nararamdaman? hay ang tsismis ang trabaho ng mga taong walang ginagawa!
nakakasawa ang gumawa ng trabaho ng iba.... ng mga tamad na tao. mga taong walang alam kung hindi mag-delegate. or, yung iba sadyang wala na lang ginagawa. naghihintay na lang ng pagbabago na gagawin ng iba. trouble is, sya dapat ang gumagawa nun kaso dahil sa may posisyon sya, delegate. anung gagawin nya? wala. wala lang.nakakahiya sa akin.
nakakasawa ang umasa sa gobyerno. nakakasawa ng umasa kay Pnoy. nakakairita. wala akong maramdamang pagbabago. si angelo reyes lately nasa libingan ng mga bayani? freak!si noynoy panay ang pasaring kay imelda at bongbong marcos? wala na ba syang ibang alam gawin kundi yun? yung mga OFW natin na nasa ibang bansa, sa libya, sa new zealand, wala bang mangyayari dun?iniisip ko nga kung si gordon ba ang nanalo magiging ganto ba ang pilipinas ngayon? nakakaloka. sobra.
No comments:
Post a Comment